QUIBOLOY: KANDIDATONG AKUSADO SA MGA KASO NG PANLILINLANG AT PANG-AABUSO...MAGTITIWALA KA PA?

 


APOLLO QUIBOLOY – Noturyus, kilala, sikat lalo na ng masang nahikayat niya sa kanyang kulto at iyong mga nabiktima niya sa iba’t-ibang mabibigat at kasuklam-suklam na kaso, tulad ng sexual abuse, human trafficking, money laundering, atbp, sa Pilipinas, maging sa US at sa iba pang bansa, na naabot ng galamay ng organisasyon na itinago niya sa likod ng isang relihiyon o simbahan.

Si Quiboloy ay hindi humarap para linisin ang sarili, sa halip ay nagtago dahil sa mga kasong ito. Nahuli siya ng pamahalaan noong September 2024. Siya ay kasalukuyang nakakulong ngayon sa Pasig City Jail.

Sa kabila ng mabibigat na mga kasong kinakaharap at sa kanyang nasirang kredibilidad, nakuha pa rin ni Quiboloy, na tumakbo bilang senador, na kataka-takang pinayagan naman ng COMELEC.

Sa mga taong nais na malaman ang totoo at maliwanagan sa usaping ito, narito ang buod o summary ng kinakaharap na mga kaso ni Quiboloy dito sa bansa at sa US.

I.                 US court/ FBI

Mga kaso kaugnay sa:

  • Conspiracy to engage in sex trafficking
  • Sex trafficking of children
  • Sex trafficking by force, fraud and coercion
  • Conspiracy
  • Bulk cash smuggling

II.               Pilipinas/ Senado ng Pilipinas

  • Human trafficking
  • Labor violations
  • Sex-related offenses

A.     Sa Kongreso

·        Franchise violations of Sonshine Media Network International (SMNI)

      B. National Telecommunications Commission

·        Franchise violations of Swara Sug Media Corp.

C.     Movie and Television Review and Classification Board

·        Violation of MTRCB Law and its implementing rules and regulations for the utterance of cuss words

 

III.              Department of Justice

·        Sexual abuse of a minor 

·        Qualified human trafficking

Ref: The cases vs 'Appointed Son of God': A list of Quiboloy's ongoing legal challenges | Philstar.com

 Apollo Carreon Quiboloy

Comments